Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
ANG BANAL
Mga Awit 99:5-6
O Diyos, Ikaw ang Banal - dalisay at ganap at makapangyarihan - matuwid at nagniningning at nananagana - maharlika at malakas at kahanga-hanga. Ikaw ang naghahari; Ikaw ay nababalot sa karilagan; Binalot at pinaligiran mo ang Iyong sarili ng kalakasan; tunay ngang ang mundo ay matibay na naitatag, hindi ito matitinag. Ang iyong kaharian ay naitatag noong una pa lamang; Ikaw ay nagmula pa sa walang hanggan. O banal na Diyos, sinasamba kita habang ako ay nakaluhod. Pinupuri Kita. Sapagkat sa kalagitnaan ng Iyong kabanalan, aking pinagninilayan ang Iyong walang humpay na pagmamahal, ang kahanga-hangang pagmamahal. Isipin na lamang na ipinadala Mo ang Iyong banal na Anak na walang kapintasan, si Jesu-Cristo, upang ako ay magkaroon ng pamamaraang lumapit sa Iyong trono ng biyaya nang may kalakasan ng loob. Dito, natatamo ko ang kahabagan mula sa Iyo! O Aking Hari, ako ay narito. Padalisayin Mo ang aking mga labi at hayaan Mong ang aking tinig ay marinig kasabay ang hukbo ng kalangitan, habang umaawit, "Banal, Banal, Banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan. Ang sangkalupaan ay puno ng Kanyang kaluwalhatian."
© Chris Baxter 2014 - Clear Day Publishing
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More