Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
SINAUNANG KAPANAHUNAN
Daniel 7:9-10
Oh Panginoon, Ikaw sa sinaunang panahon! Sa mga mata ni Daniel: Ang Iyong kasuotan ay kasing puti ng nyebe, ang buhok sa Iyong ulo ay kasing dalisay ng lana. Ang Iyong trono ay naglalagablab sa apoy. Ikaw ang Panginoonna laging gumagawa ng kagandahang asal, katarungan, at pagiging matuwid dito sa lupa; Ikaw ay nalulugod sa mga ito. Sa Iyong kabutihang loob, ako ay Iyong nahanap, iniligtas Mo ako, at ngayo'y inaawitan Mo ako! Sa Iyong pagiging matuwid, nakikita Mo ang lahat ng bagay, alam Mo ang lahat ng bagay, at hahatulan Mo ang lahat ng tao. Sa Iyong pagiging matuwid, Ikaw ay tumubos, nagpadalisay, at ginawa kaming ganap! Minamahal kong Jesus, kaya kong tumayo sa harap ng Sinaunang Kapanahunan dahil sa Iyo!Ikaw ay tinusok dahil sa aking mga kasalanan; Ikaw ay nadurog dahil sa aking pagsalansang. O Panginoon, Ikaw ay aking pinapasalamatan; at ako ay lubhang nagagalak dahil ang aking pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay!
© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More