Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
KALAKASAN AT AWIT
Exodo 15: 2
O Diyos, Ikaw ang Aking Kalakasan at Awit! Hindi ako mabubuhay kung wala Ka; Ikaw ang tibok ng puso ng aking buhay - Ikaw ang aking hininga. Hayaan Mong huminga ako nang malalim, O Diyos, malalim sa Iyong mga hiwaga, malalim sa Iyong pag-ibig. Patuloy Mong buksan ang aking mga mata sa mga kayamanan ng Iyong maluwalhating pamana sa mga banal at sa napakalaking kadakilaan ng Iyong kapangyarihan na ibinigay sa mga naniniwala sa Iyo. Mahal na Panginoong Jesus, naniniwala ako! Mapagpakumbaba kong pinasasalamatan Kayo na pinalakas ako ng Iyong kapangyarihan sa pamamagitan ng Iyong Espiritu na nasa akin! Muli, sinasabi ko salamat sa Iyo ng buong puso, ";Minamahal Kita, Oh Panginoon, aking kalakasan ... Ikaw ang aking lampara, naliliwanagan Mo Panginoon kong Diyos ang aking kadiliman. Sapagka't sa pamamagitan Mo'y magagapi ko ang isang malakas na hukbo, at sa pamamagitan Mo aking Diyos ay kaya kong talunin ang matatas na pader... " oo, ako'y aawit, "Minamahal kita, Oh Panginoon, aking kalakasan!" Salamat, Ama, para sa pagbubuhos ng Iyong pagmamahal sa aking puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; Ang Iyong pag-ibig ay nananatili sa akin. Pinasasalamatan Kita, at pinupuri Kita! Sapagkat ang Iyong pag-ibig ay naging aking kalakasan at ang aking awit.
© Chris Baxter 2014 - Clear Day PublishingTungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More