Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
DAKILANG TAGAPAGKASUNDO
2 Mga Taga-Corinto 5:19
O Diyos, Ikaw ang Dakilang Tagapagkasundo! Dahil sa Iyong hindi maarok na pag-ibig, ako ay Iyong iniligtas mula sa kapangyarihan ng kadiliman, at inilipat ako sa kaharian ng iyong minamahal na Anak. Salamat dahil inilapit mo ako sa Iyong sarili sa pamamagitan ng Iyong kagandahang-loob. Sa dakong ito, may kahabagang pinili Mo na hindi bilangin ang mga kasalanan ko laban sa akin; sa halip, sa Iyong katapatan ay hinugasan mo ang mga ito. Salamat sa pagdinig at pagtugon sa panawagan ng puso ng Iyong Anak bago Siya maipako sa krus, "Hinihiling ko ... na sila ay maging isa, kung paanong Tayo ay iisa; Ako sa kanila, at Ikaw sa Akin, upang sila ay maging ganap na nagkakaisa." Dahil sa krus, Ako ay bagong nilalang kay Cristo. Mamuhay at maghari ka sa akin, O Diyos. Nawa’y ang iyong pag-ibig ang mag-udyok sa akin upang ako rin ay maging tagapagkasundo, upang madala ang iba sa trono ng iyong kahanga-hangang biyaya at kapayapaan.
© Chris Baxter 2014 Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More