Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
ALPHA AT OMEGA
Pahayag 1:8
O Diyos, Ikaw ang Alpha at Omega - ang simula at ang wakas. Ikaw ang "nasa bawat dulo ng buhay," at isinulat Mo ang bawat linya ng bawat pahina ng bawat kabanata sa kwento ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap!Sapagkat ang karunungan at kapangyarihan ay sa Iyo; Binabago Mo ang mga panahon at kapanahunan; Ikaw ay nag-aalis ng mga hari at nagtatatag ng mga hari ... sa Iyo, O Diyos ng aking mga ninuno, ako ay nagpapasalamat at nagpupuri! Sa paglalahad ng Iyong kwento, ang puso ko'y nagagalak. Nakikita Kita, Banal na Diyos, na hinahabol ang mga makasalanan at matigas ang ulong mga tao sa pamamagitan ng Iyong pag-ibig, na sukdulan ipinakita sa krus - Ang iyong plano, ang rurok ng Iyong kasaysayan! O Diyos ng panahon, binihag Mo ako sa pag-ibig Mong ito. Ilapit Mo ako sa Iyo. Nais kong Ikaw ang maging Alpha at Omega ng aking mga araw. Dalangin ko, patatagin Mo ang aking pananampalataya, kapag hindi ko nauunawaan ang landas na ibinibigay Mo sa akin; Sapagkat ang iyong mga pamamaraan ay mas mataas kaysa sa akin, at ang iyong mga pag-iisip ay hindi aking mga pag-iisip. Ngunit, nagtitiwala ako sa Iyo. Gawin Mong tumugma ang aking kasaysayan sa Iyo, anuman ang mga pangyayari sa araw na ito. Mabuhay sa akin - mula umaga hanggang gabi, upang makuha ko rin ang mga tao sa pamamagitan ng Iyong walang hanggang pag-ibig.
© Chris Baxter 2014 - Clear Day Publishing
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More