Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
WALANG HANGGANG KUBLIHAN
Isaias 26:3-4
O Diyos, Ikaw ang Walang Hanggang Kublihan! Hindi ka matitinag; Hindi ka magagalaw.Sapagkat sino ang Diyos kundi ang Panginoon? At sino ang bato, maliban sa ating Diyos?O Nag-iisang Banal, walang katulad Mo! Pinipili kong magtiwala sa Iyo magpakailanman. Ikaw ang aking batong tanggulan at aking tagapagligtas, aking Diyos, aking malaking bato na sa kanya'y nanganganlong ako, aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, matibay na kuta ko. Salamat, Makapangyarihan sa lahat, sa pagtatago sa akin sa Iyong bitak upang aking makita ang Iyong kaluwalhatian na dumaraan. Ikaw, mapagmahal na Panginoon, ay napakaganda sa akin! Itutok ang aking mga mata sa Iyo upang aking purihin ang Iyong pangalan. At kapag ang aking pananampalataya ay nag-aalinlangan at ang aking puso ay nanghihina, ibalik Mo ako sa bato na mas mataas kaysa sa akin. Ikaw ay isang kanlungan para sa akin at isang moog ng kalakasan laban sa kaaway. Oo, ako ay ligtas at panatag sa Iyo. Panatilihin Mo ako sa Iyong presensya upang makaya kong itayo ang aking tahanan sa ibabaw ng batong ito. Dahil sa Iyo, O Diyos ng aking buhay, hindi ako matitinag, hindi ako matitigatig.
© Chris Baxter 2014 Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More