Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa

The Heartbeat of God

ARAW 30 NG 30

KALAKASAN NG LOOB

Mga Kawikaan 3:26

O Diyos, Ikaw ang aking kalakasan ng loob! Ikaw lamang ang aking lakas at kaligtasan, ang aking matibay na moog; hindi ako mayayanig. Gayunpaman, inaamin ko sa Iyo, Mahal kong Jesus, na hindi ako laging namumuhay sa ganitong paraan. Patawarin Mo ako kapag ang aking pananampalataya ay nag-aalinlangan, kapag ang aking paningin ay hindi nakatuon sa Iyo, at kapag ang mga hakbang ko ay may kahinaan. Hayaan Mong maalala ko kung sino Ka: Makapangyarihang Diyos, Malakas na Manlilikha, Panginoon ng mga Hukbo, Hari ng Kaluwalhatian. Oo, Ikaw ang aking watawat, Ikaw ang aking Pastol, ang aking Kapayapaan, at ang aking Tagapagtanggol. Paalalahanan mo ako, O Diyos, na Ikaw ang Dakilang Ikaw na aking sanggalang at aking pundasyon. Kapag ako ay may kapagurang nagtatanong, "Saan nanggagaling ang tutulong sa akin?" hayaan Mong sabihin ko nang may kalakasan ng loob, "Ang hangad kong tulong ay nagmumula sa Panginoon, na Siyang lumikha ng langit at lupa."Ikaw, O Diyos, ay hindi hahayaang ako ay mabuwal ... Ikaw ang aking tagapag-ingat na hindi natutulog at palaging gising. Iingatan mo ako sa lahat ng masama; Iingatan mo ang aking kaluluwa. Oo, gagawin mong tulad ng sa usa ang aking mga paa, at itatakda ako sa mataas na lugar. Sinanay mo ang aking mga kamay sa pakikipaglaban, upang maibaluktot ng aking mga braso ang tansong pana. Dinggin mo akong sabihin nang may panibagong pananampalataya, "Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo!" Oo, Ikaw O Diyos, ang aking kalakasan ng loob

© Chris Baxter 2014  Clear Day Publishing

Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

The Heartbeat of God

Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.

More

Nais naming pasalamatan si Chris Baxter sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.respitefortheweary.com