Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
HARI NG KALUWALHATIAN
Mga Awit 24:7-8; 10
O Diyos, Ikaw ang Hari ng Kaluwalhatian! Sa Iyo lamang ang lahat ng kapangyarihan at kalakasan. Sa Iyo ang Kalangitan; sa Iyo ang sandaigdigan; at ang mga ito ay puno ng Iyong dakilang presensya! Patuloy Mong buksan ang aking mga paningin at dalangin kong ipakita sa akin ang Iyong kaluwalhatian! Ako nawa ay mamangha sa lahat ng Iyong kabutihan habang ito ay Iyong inilalantad sa aking buhay. Hindi kapani-paniwala, na ang ninanais ng Iyong pusong mapagmahal ay ang manahan at maghari ang Iyong kaluwalhatian sa akin! O Diyos, pinagmasdan ko ang langit … ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? ... pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ang aking panalangin, kung paano na ang apoy ay bumaba mula sa langit at pinuno ang napakagandang sinaunang templo ng Iyong kaluwalhatian, pakiusap ko, ako ay iyong puspusin! Hari ng kaluwalhatian, pumasok ka! Salamat, Jesus, para sa iyong mapagsakripisyong pag-ibig sa krus upang ang lahat ng ito ay mangyari! Gawin mo na ang aking layunin sa buhay ay kahanga-hanga kong maipamalas ang Iyong liwanag, na magdudulot din sa iba na sumigaw, "Sino itong Hari ng Kaluwalhatian? ... Pakiusap, pumasok ka, ako ay iyong puspusin!"
© Chris Baxter 2014 Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More