Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa

The Heartbeat of God

ARAW 12 NG 30

MUOG

Awit 59:16

Oh Diyos, Ikaw ang aking muog! Walang sasaling sa aking kaluluwa dahil sa Iyo. Pinalilibutan Mo ako ng Iyong kagandahang-loob; itinatago sa Iyong lakas. Walang bagay na mahirap para sa Iyo ... Panatilihin ako sa Iyong paningin; itago Mo ako sa anino ng Iyong mga pakpak. Doon, ako ay lubos na ligtas; doon, ako ay may katiwasayan; doon, ako ay aawit sa kagalakan! At kahit na iba't ibang pagsubok ang pumalibot sa akin, ipahahayag ko, "ang aking kaluluwa ay tahimik na maghihintay sa Diyos lamang, dahil ang aking pag-asa ay mula sa Kanya. Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan, ang aking muog; hindi ako matitinag." O Diyos, tiwala ako sa Iyo. O Diyos, kailangan Kita. O Diyos, pinasasalamatan Kita. Kahit na kapag ako ay mahina, ako ay malakas dahil sa Iyo! Dahil sa Iyo ay magpapahinga ako; dahil sa Iyo ay aawit ako. O aking lakas, aawit ako ng mga papuri sa Iyo; sapagka't ang Diyos ang aking muog, ang Diyos na nagpapakita sa akin ng kagandahang-loob.

© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

The Heartbeat of God

Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.

More

Nais naming pasalamatan si Chris Baxter sa pagbabahagi ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.respitefortheweary.com