Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
NAG-IISANG PERPEKTO
Mateo 5:48
Sakdal sa lakas, sakdal sa kagandahan, sakdal sa kapayapaan, sakdal sa katuwiran, sakdal sa pag-ibig. Ama sa Langit, sabihin Mo sa akinkung paano maging perpekto? Paano ako magsisimulang maging katulad Mo? May pag-asa ba ang puso ng tao, na higit na mapanlinlang kaysa sa lahat at lubhang may sakit? O Diyos, alam Mo ang aming kalagayan; nakikita Mo ang kalagayan namin. Gayunpaman, sinasabi Mo sa bawat isa sa aming mga puso:Masdan; Ang Aking kamay ay hindi maikli na hindi ito makapagliligtas. Ni ang Aking tainga ay napakapurol na hindi ito makakarinig. Ngunit, ang iyong mga kasamaan ay naghiwalay sa iyo at sa Akin, at ang iyong mga kasalanan ay nagtago ng Aking mukha sa iyo.O Diyos, narito ang aking kasalanan. Pakiusap, O Diyos, alisin Mo ang aking kasalanan! Pinupuri kita, Ama, para sa Iyong perpektong solusyon sa durog na puso ng tao:Masdan ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng mundo! Salamat, Jesus, dahil Ikaw ang Nag-iisang walang dungis at walang batik na naparito upang tubusin ang aking kaluluwa! Tinatakpan ako ng Iyong mahalagang dugo! At dahil lamang Ikaw ay nabubuhay sa akin kaya maaari akong maging perpekto, na sumasalamin sa Iyo sa lakas, kagandahan, kapayapaan, katuwiran, at pag-ibig.
© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More