Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
MAGITING NA MANDIRIGMA
Isaias 42:13
O Diyos, Ikaw ay isang Magiting na Mandirigma!Naninindigan Ka para sa katuwiran, kapayapaan at kagalakan na malaya Mong ibinigay sa lahat ng naniniwala sa Iyo. Pinasasalamatan Kita, Jesus na aking Tagapagligtas, sa Iyong pagtayo "sa unahan" ng labanan, upang ako ay magkaroon ng buhay na masagana sa Iyong kaharian ngayon at magpakailanman! Dalangin ko, pangalagaan Mo ako; dahil nagagalit ang kaaway, habang naililigtas Mo ang mga kaluluwa sa pamamagitan ng Iyong pag-ibig. Sa langit at sa lupa, sa mga puso at isipan, ang digmaan ay nagpapatuloy ... Nakikibaka tayo hindi laban sa mga tao, kundi laban sa mga pinuno at mga maykapangyarihan at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito. Ingatan Mo ako laban sa mga nagliliyab na palaso ng takot, pagkabalisa, kalituhan at pag-aalinlangan na patuloy na ibinabato sa akin ng kaaway. Palibutan Mo ako ng Iyong makapangyarihang presensya; punuin Mo ako ng Iyong maluwalhating kapangyarihan. Harapin Mo, O Panginoon, ang mga humaharap sa akin. Labanan Mo ang mga lumalaban sa akin. Kunin Mo ang Iyong kalasag at pananggalang at ako ay tulungan. Kunin Mo rin ang Iyong sibat at palakol na pandigma at mangusap Ka sa aking kaluluwa, "Ako ang iyong kaligtasan!";
© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More