Ang Tibok ng Puso ng DiyosHalimbawa
KATULONG
Mga Awit 94:17-19
O Diyos, Ikaw ang tumutulong sa akin. Ako ay isang mahinang nilalang na walang kakayahang ipagtanggol ang sarili at lubhang nangangailangan ng pagliligtas! Salamat dahil binigyang-pansin Mo ako noong ako'y umiiyak sa Iyo... Naghintay ako nang may pagtitiis para sa Iyo, at pinakinggan Mo ang aking daing. Inilabas Mo ako sa hukay ng kapahamakan, mula sa napakaputik na balon; Inilagay Mo ang aking mga paa sa isang bato na nagpapatibay sa aking mga yapak. Naglagay Ka ng bagong awit sa aking bibig, isang papuri sa Iyo.O Diyos, dahil sa Iyong nagliligtas na pag-ibig, ang aking kaluluwa ay hindi na tatahimik! Pakinggan Mo akong umawit,"Narito, ang Diyos ang aking katulong; ang Panginoon ang umaalalay sa aking kaluluwa ..." Dahil ang Iyong Banal na Espiritu, ang aking katulong, ngayon ay nananahan sa akin magpakailanman! Pinasaya Mo ang aking malungkot na pag-iisip; Pinapayapa Mo ang aking mga pagkabalisa; Ginagawa Mong may karunungan ang mga simpleng pag-iisip ko. O Diyos, ang Iyong kamangha-manghang mga paraan ay nakalulugod sa aking kaluluwa!
© Chris Baxter 2014 Ð Clear Day Publishing
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang isang puno ng kayamanan ng pananampalataya ay nasa loob ng 30 araw na babasahing gabay na ito, "Ang Tibok ng Puso ng Diyos." Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang deklarasyon ng papuri gamit ang mga salitang ito, "O Diyos, Ikaw ay...". Pagkatapos, ang paglalahad ng Kanyang pagkatao at mga katangian ay nagsisimula (halimbawa: "O Diyos, Ikaw ay Mabuti"). Ang mga panalanging ito na puno ng Banal na Kasulatan ay gumagabay sa mambabasa sa isang kasanayan sa pag-aangat ng Pangalan ng Diyos, na nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa sa Kanyang sinadyang "tibok ng puso" ng pag-ibig sa Kanyang mga anak.
More