Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 55:1-3

Isaias 55:1-3 RTPV05

Sinabi ni Yahweh, “Narito ang tubig, kayong mga nauuhaw. Ang mga walang salapi ay lumapit din dito, bumili kayo ng pagkain at ito'y kainin ninyo! Bumili kayo ng alak at gatas kahit walang salaping pambayad. Bakit gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog? Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan? Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko, at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain. Makinig kayo at lumapit sa akin. Sundin ninyo ako at magkakaroon kayo ng buhay! Isang walang hanggang kasunduan ang gagawin natin; pagtitibayin ko ang aking walang hanggang pag-ibig kay David.