Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Ang Banal na Kasulatan ay puno ng pagpapaalala na magbunyi, magpuri sa Diyos, malakas na umawit nang may kagalakan; ngunit kapag ang isang tao ay may dahilan upang magbunyi, magpuri, at umawit nang malakas ay doon lamang tunay na nagagawa ang mga ito nang mula sa puso. Ang isang pangkaraniwang taong maysakit ay walang maliwanag na pananaw sa buhay kapag tiningnan sa pisikal na katotohanan, at kapag ang kaluluwa ay may dinaramdam ang totoong kaliwanagan at kasiyahan ay napakaimposible. Hangga't ang kaluluwa ay hindi nagagamot, laging may nakadikit na pangamba at takot na siyang nagnanakaw ng kasiyahan at hindi mailarawang kagalakan na siyang ninanasa ng Diyos para sa lahat ng Kanyang mga anak.
Tanging sa paghawak lamang ng Diyos sa buhay ng isang tao dumarating ang pagpapalaya mula sa kawalang pag-asa. Ang pamumuhay sa kapayapaan at kagalakan dahil sa kapatawaran at pabor ng Diyos ang siyang magdadala ng kaligayahan.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ano ang dahilan ko sa aking pagbubunyi? Sa anong karamdaman—pisikal o espirituwal—ako gumaling? Saang kawalang-pag-asa ako napalaya? Sa anong takot ako nakawala?
Ang mga sipi ay mula sa Workmen of God, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org