Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 14 NG 30

Ang kagalakan na maaaring ibigay ng isang mananampalataya sa Diyos ay ang pinakadalisay na kaligayahang pinahihintulutan ng Diyos sa isang banal, at nakakahiyang mapagtanto kung gaano kakaunti ang kagalakang ibinibigay natin sa Kanya. Nagtitiwala tayo sa Diyos hanggang sa isang tiyak na punto, at pagkatapos noon ay sasabihin nating, "Ngayon dapat ay pagkahusayan ko." May mga pagkakataong walang pinakamainam na magagawa ng tao, kung ang banal na pinakamahusay na ang gagawa, at inaasahan ng Diyos ang mga nakakakilala sa kanya na magtiwala sa kanyang kakayahan at kapangyarihan. Kailangan nating malaman kung ano ang natutunan ng mga mangingisda, na ang Karpintero ng Nazaret ay mas mahusay na magmaneho na bangka kaysa sa kanila. Si Jesu-Cristo ba ay isang karpintero, o siya ba ay Diyos sa akin? Kung Siya ay tao lamang, bakit siya ang nagmamaneho ng bangka? Bakit kailangang nanalangin sa Kanya? Ngunit kung Siya ay Diyos, magpakabayani ka at harapin ang sukdulan, at huwag kang mawawalan ng tiwala sa Kanya.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Napag-isipan ko na ba ang ideya na maaari o dapat akong magbigay ng kagalakan sa Diyos? Alam ko ba kung ano ang nagdudulot ng kagalakan sa Diyos? Sa anong mga paraan ako maaaring magbigay ng kagalakan sa Diyos?

Ang mga sipi ay nagmula sa The Place of Help, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org