Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Napakadaling pabayaan ang isang lalaki o babaeng kusang tinatanggap ang layunin ng kanyang buhay mula sa Panginoong Jesus. Marami sa atin ang nanggagaya sa ibang tao; gumagawa tayo ng gawaing Cristiano dahil may humiling sa atin na gawin ito. Dapat nating tanggapin ang ating ministeryo, at ito ay ang magpatotoo sa ebanghelyo ng biyaya ng Diyos, mula kay Jesu-Cristo mismo, hindi mula sa iba pang mga Cristiano. Ang kagalakan ay bunga ng ganap na katuparan ng pagkalikha ng tao. Patuloy na kinakailangang nating bumalik sa hinihingi sa atin ng Bagong Tipan na tanggapin tungkol sa ating mga sarili. Ang una nating tinanggap na bokasyon ay hindi ang pagtulong sa kapwa tao, kundi ang pagsunod sa Diyos, at kapag tinanggap natin ang bokasyong ito ay pumapasok tayo sa pakikipag-ugnayan sa mga hinamak at napabayaan.
Ang Diyos ay kaagad na malapit at lubos na malakas kaya't lalong nadaragdagan ang aking kagalakan sa pagtitiwala sa Kanya at nawawala ang kung ano mang nararamdaman ko.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ginagaya ko ba ang ibang tao sa pag-iwas sa paghahanap ng sarili kong ministeryo? Anong patotoo ang ibinigay sa akin ng Diyos na wala sa iba? Anong mensahe ng kagalakan ang ibinigay sa akin ng Diyos upang ipahayag?
Ang mga sipi ay nagmula sa The Psychology of Redemption at Run Today’s, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org