Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Sukatin ang iyong sukdulang kaluguran sa katotohanan ng Diyos at kagalakan sa Diyos ayon sa maliliit na pirasong malinaw sa iyo. Napakalawak pa ng katangian ng Diyos na hindi pa nabubunyag sa atin, at kailangang magtiyaga tayo hanggang maibunyag na sa atin ng Diyos ang mga bagay na mukhang napakadilim. Ang panganib ay baka gamitin natin ang kapirasong katotohanang nalalaman natin bilang tugatog kung saan itatakda natin ang ating mga sarili upang hatulan ang lahat. Napakadaling gawin ang mga pagkaunawa natin sa Diyos na parang tinunaw na tingga at ibinuhos sa ating sadyang nilikhang molde at kapag ito ay lumamig at tumigas na, ay ipukol sa ulo ng mga relihiyosong taong hindi umaayon sa atin.
Ang pagkatanto sa pagkapili sa biyaya sa pamamagitan ng pagbabagong-buhay, at nang sa gayon ay lubos na angkop upang luwalhatiin ang Diyos, ay ang pinakamasayang pagkatanto.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ano ba ang malinaw sa akin tungkol sa Diyos? Sapat na ba ito upang ako'y magalak nang hindi ako nagiging mapanghusga? Kung ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa Diyos ay siyang kabuuan ng maaaring malaman tungkol sa Diyos, anong magiging dahilan ko para magalak?
Ang mga sipi ay nagmula sa Notes on Isaiah and Notes on Ezekiel, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org