Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 21 NG 30

Ano nga ba ang kagalakan ng Panginoong Jesu-Cristo? Ang kagalakan Niya ay ang ganap na matapos ang gawaing ibinigay ng Kanyang Ama upang gawin Niya; at ang parehong uri ng kagalakan ay ipinagkakaloob sa bawat lalaki at babaeng anak ng Diyos at Kanyang pinabanal, kapag kanilang tinupad ang gawaing ibinigay sa kanila ng Diyos. Ano ang gawaing iyon?

Ang maging isang banal, isang lumalakad, nagsasalita, buhay, at praktikal na kalatas na nagpapahayag tungkol sa magagawa ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesu-Cristo—kaisa sa pagkakakilanlan sa pananampalataya ni Jesus, kaisa sa pagkakakilanlan sa pag-ibig ni Jesus, kaisa sa pagkakakilanlan sa Espiritu ni Jesus hanggang tunay ngang kaisa Niya na tayo kung kaya ang panalangin ng punong-pari ay hindi lamang nagsisimulang masagot, kundi ito ay malinaw na nagpapahayag sa pagsagot nito—"maging isa nawa sila, gaya Natin."

Nagbigay si Job ng pagpapahayag tungkol sa isang bagong kabatiran tungkol sa Diyos; umaasa siyang magkakaroon ng isang tagapamagitan na hindi lamang magbibigay-katwiran sa Diyos, kundi magbibigay-katwiran din para sa kanya. Ang kalungkutan ang nagdala kay Job sa kalagayang ito, at tanging kalungkutan lamang ang makagagawa nito; hindi ang kagalakan, maging ang kariwasaan, kundi ang kalungkutan.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Sa anong mga paraan ko sinusubukang hanapin ang kagalakan kapag hindi ako lumalakad at nagsasalitang katulad ni Jesus? Paano ko naiisip na ito ay maaari?

Ang mga sipi ay mula sa Approved Unto God and Baffled to Fight Better, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org