Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Kung sinusubukan ang iyong sitwasyon sa kasalukuyan, alalahanin lamang ang mga oras noong tayo'y hindi sinusubok at ika'y magugulat na lamang sa kakayahan ng ating puso na magbago. Kung gaano kalakas ang puso ng tao na kayanin ang lahat ng pagsubok, at pati na rin ang kagalakan! Kung tayo ay magpapatalo sa kapangyarihan ng pagbabago mula sa isang bagay patungo sa isa pa, mapipinsala natin ang balanse nito. Ang Espiritu ng Diyos ay nagpapanumbalik at nagpapanatili ng tamang balanse.
Ang pangangaral sa ebanghelyo patungkol sa "pagsasaya," kung ang isang tao ay walang kakayahang magpakasaya. Ang pagsasabi sa tao na tumingin lamang sa positibong bahagi ng mga bagay kung wala naman itong positibong bahagi ay isang kahibangan na gaya sa pagsasabi sa isang dikya na makinig sa isa sa mga oratorio ni Handel. Ito ay walang saysay kagaya ng pagsasabi sa isang taong nahatulan ng kasalanan na magpakasaya. Ang kanyang kailangan ay biyaya mula sa Diyos na siya ay mabago at madala sa kagalakan.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Mananatili na lamang ba ako sa kasiyahan kaysa sa kagalakan? Sapat ba ang tiwala ko sa Diyos na kaya ko pa ring maranasan ang kagalakan sa oras ng kalungkutan? Ang karanasan ko ba sa biyaya ay higit sa aking pagkakasala?
Mga sipi mula sa Biblical Psychology, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org