Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Sa tuwing nagtutungo ang mga anghel sa sangkalupaan ay dumarating silang nagbubunyi sa kagalakang kaagad na kailangang pigilan (cf. Lucas 2:13). Ang mundong ito ay parang isang silid para sa maysakit, at kapag sinusugo ng Diyos ang mga anghel upang pumarito ay kailangang sabihin Niya—"Maging tahimik kayo; may sakit sila dahil sa kasalanan kaya't hindi nila mauunawaan ang inyong maingay na pagsasaya." Sa tuwing ang tabing ay itinataas ay nagkakaroon ng maingay na kasiyahan at kagalakan. Ito ang mga katangiang para sa Diyos at ang kaayusan ng mga bagay na sa Diyos; ang kadiliman at kaapihan at kapighatian ay mga katangian ng lahat ng bagay na hindi sa Diyos.
Sa tuwing humaharap tayo sa Diyos sa Kanyang pakikipagtipan at ipinauubaya nating lahat sa Kanya, nang walang damdamin ng pagiging karapat-dapat, walang kahit anong sangkap na pangtao, kundi isang napakatinding diwa ng pagiging nilikha ng Diyos, doon tayo nagbabagong-anyo sa pamamagitan ng kapayapaan at kagalakan.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Anong tabing ng maling katuruan ang pumipigil sa ating maranasan ang kagalakan ng Panginoon? Kailan ang huling beses na ako ay nag-umapaw sa kagalakan? Paano bang ang pagkamalikhain at ang kagalakan ay nagkakaugnay?
Ang mga sipi ay mula sa Not Knowing Where, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org