Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 29 NG 30

Anumang kaluluwa ang walang tahimik o mapayapang lugar kasama ang Diyos ay nasa isang malubhang delubyong espirituwal. Hinahayaan na lang ba natin na masira ang ating mapapayapang lugar, o matayuan sa ibabaw nito ng mga altar na mukhang maganda, kung saan ang mga tao na nakakakita ay mapapasabing, "Napakarelihiyoso siguro ng taong iyan." Ang altar na katulad nito ay isang insulto sa napakalalim na pagkilos ng Diyos sa ating kaluluwa. Hinahayaan ng Diyos na tayo ay mas matuto pa tungkol sa umaapaw na kaligayahan na mayroon sa pakikitagpo sa Diyos sa madilim na gabi at maging sa madaling araw.

Sa libro ng Pahayag, sinasabi ni Jesu-Cristo na Siya ang "una at huli." Sa gitna nangyayari ang mga desisyon ng tao; ang una at huli ay nananatiling sa Diyos. Ang mga kautusan ng Diyos ay kapanganakan at kamatayan, at sa gitna ng dalawang limitasyong ito ay lumilikha ang mga tao ng kanyang sariling pagkabalisa o kaligayahan.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Nasaan ang aking payapang lugar kasama ang Diyos? Nasisiyahan ba ako sa pag-iisang kasama ang Diyos o mas nananabik akong magtrabaho na? Sinisimulan ko ba ang bawat araw sa pagtatanong sa Diyos kung anong dapat kong gawin at tinatapos ko ba ito sa pagtatanong sa Kanya kung kumusta naman ang mga ginawa ?

Mga siping mula sa He Shall Glorify Me at Still Higher for His Highest, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 28Araw 30

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org