Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 28 NG 30

Sa pasimula ng karera ng isang Cristiano, ang mga pagpapala ng Diyos ay kapansin-pansin, ito ay damang-dama, kaya't ang isang Cristiano ay mas namumuhay batay sa mga bagay lamang na nakikita kaysa sa pananampalataya, ang pagmamahal ng Diyos ay parang nasa kanya. Ngunit may panahon ding dumarating sa buhay ng isang alagad kung saan ang mga kaginhawahang ito ay binabawi ng Diyos, kapag ang kaligayahan sa Diyos ay tila hindi katulad ng dati, kapag ang Kanyang presensya ay hindi ganoon katamis, at kapag ang isang kakaibang kadiliman (kung ganito nga natin masasabi ito) ay parang lumulukob sa ating espirituwal na buhay.

Sa isang sandali ang kaluluwa ay bumubulusok sa malalim na kadiliman; pagkatapos, magsisimula niyang mapagtantong tinuturuan lamang siya ng Diyos ng pagkakaiba ng paglalakad sa liwanag ng mga pagpapala at pagpasok sa isang karanasan ng banal na kaligayahan; o, sa mas simpleng pananalita, dinadala ng Diyos ang kaluluwa mula sa lugar ng damdamin at emosyong pangrelihiyon patungo sa lugar ng pananampalataya.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Sa anu-anong mga paraan ako tinuturuan ng Diyos na mamuhay sa makalangit na liwanag ng banal na kaligayahan kaysa sa artipisyal na liwanag ng mga materyal na pagpapala?

Ang mga sipi ay mula sa God's Workmanship, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 27Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org