Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 1 NG 30

Ang ibig sabihin ng kagalakan ay ang perpektong katuparan ng isang bagay para sa dahilan na kung saan ako ay nilikha at binago. Hindi ito sa pamamagitan ng matagumpay na paggawa ng isang bagay. Ang kagalakan ay ang ginawa ng Panginoon ayon sa dahilan kung bakit ipinadala Siya ng Ama. Dapat nating hanapin ang angkop na gawain kung saan tayo tinawag sa buhay na ito at espirituwal na makikita natin ito kapag natanggap natin ang ating ministeryo mula sa Panginoon. Upang gawin ito, dapat na makasama natin si Jesus. Dapat nating kilalanin Siya higit pa sa sariling Tagapagligtas. Nakatanggap ba ako ng ministeryo mula sa Panginoon? Kung gayon, kailangan kong maging matapat dito, at ituring na mahalaga lamang ang aking buhay para sa pagtupad sa ministeryong ito.

Panginoon, sa Iyo, ako ay lumalapit. Bigyan Mo ako ng pang-unawa sa Iyo hanggang sa ang aking pangangatuwiran, ang aking imahinasyon, at ang aking pagsasalita ay tungkol sa Iyo lamang. Napakaganda na binago mo ang aking espiritu at ibinalik sa akin ang kagalakan ng Iyong kaligtasan!

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ano ang aking espirituwal na angkop na gawain? Ano ang ginagawa ko na ako lamang ang makagagawa? Ano ang aking ministeryo mula sa Panginoon? Ako ba ay tapat dito? Sa anong paraang mahalaga ang buhay ko kay Jesus?

Sipi na kinuha mula sa Called of God at Knocking at God's Door, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org