Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 6 NG 30

Lahat ng antas ng kagalakan ay nananahan sa puso. Paanong ang isang Cristiano ay mapupuno ng kasayahan (kung ang kasayahan ay nakasalalay sa mga pangyayari) kung siya ay nasa mundo kung saan ginagawang lahat ng diablo upang ilayo ang mga kaluluwa mula sa Diyos, kung saan ang katawan ng mga tao ay pinahihirapan, kung saan ang ilan ay inaapi-api at hindi nabibigyan ng pagkakataon? Ang maging masaya sa ganitong kondisyon ay pinaka kahabag-habag na pagkamakasarili, Ngunit ang isang pusong puno ng kagalakan ay hindi kailanman isang panlalait, at ang kagalakan ay hindi naaapektuhan ng mga panlabas na kalagayan.

Napakaraming binabanggit ang Biblia tungkol sa kagalakan, ngunit wala kang mababasa rito tungkol sa isang "masayang" Cristiano. Ang kasiyahan ay nakasalalay sa mga nangyayari; ngunit ang kagalakan ay hindi ganito. Tandaan, may kagalakan si Jesu-Cristo, at ipinanalangin Niyang "maganap ang kagalakan Ko sa kanilang mga buhay."

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ano ang proporsyon ng kagalakan kumpara sa kasiyahan sa buhay ko? Gaano kadalas kong hinahayaan ang mga pangyayaring magpasya sa aking kondisyon? Gaano kadalas akong may kagalakan?

Ang mga sipi ay nagmula sa Biblical Psychology, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org