Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 7 NG 30

Marunong ka man o hangal, matuwid ka man o hindi, isang hari ka man o sinisiil ng hari, matagumpay o talunan, nasa isang pamayanan o nag-iisa, matigas ang ulo o isang tuso, pare-parehong iisa ang magiging katapusan. Ang lahat ay lumilipas, sabi ni Solomon, at hindi tayo makakatagpo ng pangmatagalang kagalakan sa anumang sangkap na nais nating hawakan. Makapipinsala sa isang taong subukang hanapin ang kanyang tunay na kagalakan sa isang parirala ng katotohanan, o sa kaganapan ng isang ambisyon, o sa pisikal o intelektuwal na pag-iisa, o sa isang lipunan man; tanging sa isang personal na relasyon lamang sa Diyos niya matatagpuan ang kanyang kagalakan. Si Jesu-Cristo ay ang Diyos na nahayag sa katawang lupa, at kailangang huwag nating pansinin hanggang sa halos kamuhian na natin ang anumang nakikipagkumpitensya sa ating relasyon sa Kanya.

Ang tunay na kagalakan sa buhay ng isang tao ay ang kanyang relasyon sa Diyos, at ang mahalagang punto ng pagtitiwala sa Diyos na sinasabi sa Hebreo ay yaong hindi ito ginagawang hindi angkop sa tunay na buhay ng isang tao. Dito nasusubok sa tuwina ang isang huwad na relihiyon.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Saang mga lugar o kalagayan ko sinusubukang hanapin ang kagalakan? Saang ambisyon, pananampalataya, o pananalig ako umasang matutuklasan ang kagalakan? Saang mga relasyon ko sa mga tao ako naghanap ng kagalakan?

Ang mga sipi ay mula sa Still Higher for His Highest, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org