Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 8 NG 30

Ang kahanga-hangang layunin at inspirasyon ng paglilingkod ay hindi ang ako ay iniligtas o ginawang banal o pinagaling ng Diyos. Ang lahat ng iyon ay katotohanan na, ngunit ang kahanga-hangang layunin ng paglilingkod ay ang pagkaunawang ang bawat bahagi ng aking buhay na may halaga ay utang ko sa Pagkakatubos. Naunawaan ko nang may kagalakang hindi ko kayang ibuhay ang sarili kong buhay; may pagkakautang ako kay Cristo, at dahil dito ang maaari lamang matupad sa buhay ko ay ang mga layunin Niya para rito.

Ang kagalakan ni Jesu-Cristo ay ang ganap na pagsusuko at paghahandog ng Kanyang sarili sa Kanyang Ama, ang kagalakan sa ipinapagawa ng Ama na siyang dahilan kung bakit Siya ipinadala rito, at ang kagalakang ipinapanalangin Niyang magkaroon ang Kanyang mga alagad. Hindi ito katanungan ng pagsubok na gawin ang ginawa ni Jesus, kundi ito ay ang pagkakaroon ng personal na presensya ng Banal na Espiritu na Siyang gumagawa upang mapasaatin ang kalikasan ni Jesus. Isa sa mga nakapagbibigay kaaliwan sa atin ay ang hindi maarok na lalim ng kagalakan ng Banal na Espiritu na makikita sa atin katulad ng naganap sa Anak ng Diyos noong panahong Siya ay nasa katawang lupa pa.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ano ba ang kalugud-lugod sa pagkatantong hindi ko maaaring ipamuhay ang sarili kong buhay? Kung natagpuan ni Jesus ang kagalakan sa pagsuko, ano ang maaari kong asahan ngayong nabubuhay na si Cristo sa pamamagitan ng buhay ko?

Ang mga sipi ay nagmula sa So Send I You, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org