Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 13 NG 30

Na kay Solomon na ang lahat ng maaaring hangarin ng isang tao sa kanyang buhay, nasa kanya na ang lahat ng pamamaraan upang pasiyahin ang kanyang sarili; sinubukan niya ang malupit na anyo, ang kasiya-siyang anyo, ang anyong may kaugnayan sa isip ngunit, sinasabi niya, hindi mo matatagpuan sa alin man sa mga ito ang walang hanggang kagalakan. Ang kagalakan ay matatagpuan lamang sa iyong kaugnayan sa Diyos habang nabubuhay ka rito sa lupa, ang lupang pinanggalingan mo at ang lupa kung saan ka babalik. Ang alikabok ay ang pinakamainam na elemento ng tao, dahil dito nahahayag ang kaluwalhatian ng Diyos.

Ang nilikha ng Diyos ay nagbigay ng kasiyahan sa Kanya, ngunit hanggang sa makilala natin Siya, marami sa Kanyang nilikha ang ipagkikibit-balikat lamang natin. Kapag naunawaan nating ang Diyos, tayo ay nagagalak sa Kanyang mga nilikha tulad Niya. Ang isang bata ay nasisiyahan sa nilikha ng Diyos, ang lahat ay kahanga-hanga para sa kanya.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ano sa palagay ko ang kailangan ko pa upang matamasa ko ang kagalakan? Anong ibig sabihin kapag sinabing malugod sa nilikha ng Diyos? Bakit ko itinuturing na isang sumpa ang alikabok kaysa sa pagiging biyaya nito?

Ang mga sipi ay nagmula sa Still Higher for His Highest and God’s Workmanship, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org