Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 17 NG 30

Nagpapahayag ang ating Panginoon tungkol sa kagalakan ng paghanap sa mga nawawalang bagay. Para sa akin ay naroon lagi ang panawagang ito: Nais ng Diyos na tumingin sa pamamagitan ng aking mga mata. Nais ng Diyos na mag-isip sa pamamagitan ng aking isipan. Nais ng Diyos na gumawa sa pamamagitan ng aking mga kamay. Nais ng Diyos na mabuhay at lumakad sa pamamagitan ng aking katawan para sa isang layunin—ang humayo para sa mga nawawala ayon sa Kanyang pananaw. Hinahayaan ko ba Siyang lumakad at mabuhay sa akin?

Ang mga espirituwal na katotohanan ay maaaring dayain. Ang "mamahinga sa Panginoon" ay maaaring maging relihiyosong "pangangalawang" sa pagkaunawa. Saan ba umaabot ang lahat ng ating pag-uusap tungkol sa pagpapakabanal? Ito ay dapat umabot sa kapahingahan ng Diyos na nangangahulugang pakikiisa sa Kanya tulad ng ginawa ni Jesus—hindi lamang walang kapintasan sa paningin ng Diyos, kundi isang malalim na kagalakan sa Kanya.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Nasisiyahan ba akong hanapin ang mga nawawala? Masugid ba akong kalahok sa plano ng Diyos na hanapin at iligtas ang mga nawawala? Paano ako maaaring nagkakasala sa paglikha ng huwad na kabanalan? May itinataguyod ba akong ibang uri pa ng kapahingahan maliban sa pakikipagkaisa kay Jesus at kawalang kapintasan sa Diyos?

Ang mga sipi ay nagmula sa Workmen of God and The Place of Help, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org