Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 20 NG 30

Ang mabuting kapalaran ng kasawian! Iyan ang tingin ni Pablo sa kanyang pagkabilanggo. Ayaw niyang malungkot sila dahil sa nangyari sa kanya, o kaya naman ay isipin nilang ang layunin ng Diyos ay nahadlangan; sinasabi niyang ito ay hindi nahadlangan, kundi naitaguyod pa nga. Ang mismong mga bagay na tila naging kapinsalaan ay naging lubos na kanais-nais, kaya't ang kanyang puso ay lumulukso sa kagalakan nang dahil dito, at ang tanda ng kagalakan ay lumalabas.

Ang diwa ng pagkamasunurin ang nagbibigay ng labis na kagalakan sa Diyos nang higit pa sa kahit anong bagay sa mundong ito. Nang ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa aking puso (Mga Taga-Roma 5:5), tinaglay ko ang kalikasan ng Diyos, at batid kong sa pamamagitan ng aking pagsunod ay minamahal ko Siya. Ang pinakamahusay na sukatan ng isang espirituwal na buhay ay hindi ang lubos na kaligayahan, kundi ang pagsunod nito.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Anong mga kalamidad ang naging pagkakataon? Anong kagalakan ang hindi ko sana mararanasan kung hindi ako lumakad kasama ang Diyos sa mga kahirapan?

Ang mga sipi ay mula sa Conformed to His Image and Not Knowing Where, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org