Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
May ilang yugto sa ating buhay espirituwal na nagkakaroon tayo ng hindi magandang pag-aakalang ang lahat ng bagay na mayroon tayo ay kailangan nating talikdan. Ang kahulugan ng sakripisyo sa Biblia ay kusang pagbibigay sa Diyos upang maari Niyang ariin ito na Kanya at atin magpakailanman: Kung kakapit ako dito, kusa itong mawawala kaya ganoon din ang Diyos. Sinabi ng Diyos kay Abraham na ihandog si Isaac bilang isang handog na susunugin at ang pagkakaunawa ni Abraham ay kunin ang buhay ng kanyang anak. Ngunit, sa bundok ng Moria, nawala ang maling tradisyon patungkol sa Diyos at nagkaroon ng tamang pananaw si Abraham sa kung ano nga ba ang kahulugan ng sinunog na alay: ang buhay na sakripisyo (Mga Taga-Roma 12:1-2). Sa tingin natin ay kailangan nating isuko ang lahat ng bagay, alisin ang lahat na mayroon tayo at sa halip na magdala ng kagalakan at kapayakan ang buhay Cristiano ay nagiging miserable ito; hanggang sa ating mapagtanto na ang nais ng Diyos ay makibahagi tayo sa ating moral na pag-unlad. At gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng natural sa espirituwal na pagsunod at hindi sa pagtanggi sa natural ngunit sa pagsasakripisyo nito.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Anu-ano ang mga maling konsepto sa pagkakakilanlan ninyo sa Diyos na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ninyo na nagiging hadlang upang magkaroon kayo ng totoong kagalakan?
Sipi galing sa He Shall Glorify Me, © Discovery House Publishers
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Anu-ano ang mga maling konsepto sa pagkakakilanlan ninyo sa Diyos na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ninyo na nagiging hadlang upang magkaroon kayo ng totoong kagalakan?
Sipi galing sa He Shall Glorify Me, © Discovery House Publishers
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org