Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 24 NG 30

Wala nang mas nakakainis pa kaysa sa payong "manatili kang nakangiti"; isa itong kahuwaran, isang kaningningang agad-agad sumasagitsit. Ang isang bagay na ginagawa ni Jesu-Cristo para sa isang tao ay ang gawin siyang nagniningning, hindi isang huwad na kaningningan. Ang kagalakang ibinibigay ni Jesus ay bunga ng kalooban nating nagiging kaisa ng Kanyang kalooban. Pinupuspos tayo ng Banal na Espiritu ng Diyos hanggang ito ay umapaw kung magiging maingat tayo sa pananatili sa kaliwanagan. Wala tayong karapatang maging mahina sa kalakasan ng Diyos.

Wala tayong karapatang sabihin sa Diyos na hindi na natin kaya; nararapat na ibigay natin sa Diyos ang kalayaang gawin kung anong ninanais Niya para sa atin, tulad din ng ginawa Niya sa Kanyang sariling Anak. At pagkatapos ay anumang mangyari sa ating buhay, ito ay magiging puno ng kagalakan.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ang ngiti ko ba ay pilit o natural? Ang kagalakan ko ba ay isang huwad na pagkukunwari o isang ningning na nagmumula sa kaloob-looban? Nagtitiwala ba akong kaya ng Diyos na magbigay ng kagalakan sa gitna ng mga pangyayaring hindi ko pinili?

Ang mga sipi ay mula sa The Place of Help, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org