Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 26 NG 30

Ang kasalanan, paghihirap, at pagpapakabanal ay hindi problema ng isipan, kundi katotohanan ng buhay—mga misteryo na binubuhay ang iba pang mga misteryo hanggang ang puso ay mamahinga sa Diyos. Oh, ang hindi maipaliwanag na kagalakan sa pagkaunawang ang Diyos ay naghahari, na Siya ang Ama, at ang mga ulap ay isa lamang "alikabok ng Kaniyang paa". Ang relihiyosong buhay ay nakabase at naitayo at lumago sa lubos na pagtitiwala, na binago ng Pag-ibig; ang malinaw na pahayag na ang buhay ay maari lamang gawin ng manonood, at hindi kailanman ng santo.

Panginoon, napakakaunti ng pagkaing ibinibigay ko kay Cristo na nananahan sa akin; O Panginoon, patawarin Mo ako. Punuin mo ako ng sapat na kahulugan ng Iyong kapatawaran upang hindi lamang ako magalak sa Iyong kaligtasan, kundi mapuno ng Iyong Espiritu para sa gawain dito.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ang mga paghihirap, kasalanan at misteryo ba ng buhay ang dahilan kung bakit ako sumusuko sa kalungkutan o hinihikayat ba ako ng mga itong magtiwala sa Kanyang nagsusugo sa akin para ibahagi ang mensaheng mapagtatagumpayan ng Pag-ibig ang kasalanan at paghihirap?

Mga sipi na nakuha mula sa Christian Discipline and Knocking at God's Door, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 25Araw 27

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org