Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 25 NG 30

Si Jesu-Cristo ay hindi lamang Tagapagligtas, Siya ay Hari, at may karapatan Siyang kumuha ng anumang bagay at ng lahat ng bagay mula sa atin ayon sa sarili Niyang kapasyahan. Pinag-uusapan natin ang tungkol sa kagalakan at kaginhawaang dulot ng kaligtasan; Ipinapahayag ni Jesu-Cristo ang tungkol sa pagdadala ng krus at ang pagsunod sa Kanya. Iilan sa atin ang nakakaalam tungkol sa katapatan kay Jesu-Cristo. Tinitingnan natin si Jesu-Cristo bilang pinakamabuting Halimbawa sa ating buhay Cristiano; hindi natin naiisip Siya bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, dala-dala ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Ginagawa natin Siyang isang kasamahan natin, Siya na sa laban ng buhay ay may mas higit na hininga kaysa sa atin at nililingon Niya tayo upang tulungan. Pinakikitunguhan natin Siya na parang isa lamang Siya sa atin; hindi natin inaalis ang ating mga sapatos kapag Siya ay nagsasalita. Si Jesu-Cristo ay ang Tagapagligtas, at inililigtas Niya tayo tungo sa Kanyang ganap at banal na pagkapanginoon.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Anong kagalakan ang natagpuan ko sa pagdurusa? Nakakatanggap ba ako ng higit na kagalakan mula kay Jesus sa pagtuturing ko sa Kanya bilang isang kasamahan o sa pagiging Hari Niya? Mas nagagalak ba akong isipin ang pamumuno sa kaharian ng Diyos o sa paghihirap para maitaguyod ito?

Ang sipi ay nagmula sa He Shall Glorify Me, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 24Araw 26

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org