Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Ang pagkatantong ang kalakasan ko ay laging nagiging hadlang sa pagbibigay ng buhay ng Diyos ay tunay ngang nagbukas sa aking mga mata. Ang isang taong henyo ay malamang na aasa sa kanyang pagiging henyo kaysa sa Diyos. Ang isang taong may salapi ay malamang na mas aasa sa kanyang salapi kaysa sa Diyos. Marami sa atin ang mas umaasa sa kung anong mayroon tayo kaysa sa umasa nang lubos sa Diyos.
Ang lahat ng pinagmumulan ng kalakasang ito ay siyang pinagmumulan ng dobleng kahinaan natin. Ngunit kapag ating naunawaang ang ating tunay na buhay ay "nakatago kay Cristo," na tayo ay "ganap na sa pamamagitan ng pakikipag-isa sa Kanya," kung saan "nananahan ang kabuuan ng pagka-Diyos kahit na Siya ay nagkatawang-tao,"ang Kanyang kalakasan ay nagliliwanag na maipapamalas sa ating mortal na katawan. Ipagkaloob nawa ng Diyos na ang Kanyang Espiritu ay magdala sa ating lahat sa lugar kung saan ang lihim ay matututunan at matatamasa na ang Kanyang kalakasan ay nagiging ganap sa ating kahinaan.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Paanong nakakahadlang sa Diyos ang aking kalakasan? Paanong nakakahadlang sa Diyos ang aking kakayahan? Anong lihim ang hindi ko natutuklasan dahil sa pagtanggi kong umasa sa Diyos?
Ang mga sipi ay nagmula sa God’s Workmanship, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org