Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Ipagpalagay na sinukat ng ating Panginoon ang Kanyang buhay ayon sa kung Siya ay naging pagpapala o hindi sa ibang tao. Bakit, Siya ay naging "batong katitisuran" sa libo-libo, lalo na sa sarili Niyang mga kapitbahay, sa sarili Niyang bansa, sapagkat sa pamamagitan Niya ay namusong sila sa Banal na Espiritu, at sa kanyang sariling bayan "At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya roon gumawa ng maraming himala" (Mateo 13:58).
Kung sinukat ng Ating Panginoon ang Kanyang buhay sa talagang naging bunga nito, mapupuno Siya ng kalungkutan. Hindi tayo naririto upang makahikayat ng mga kaluluwa, upang gumawa ng mabuti sa ibang tao; iyan ang likas na resulta, ngunit hindi iyan ang ating layunin, at dito ang marami sa atin ay hindi nagiging tagasunod. Susunod tayo sa Diyos habang ginagawa Niya tayong pagpapala sa ibang tao ngunit kapag hindi na ito ang ginagawa Niya ay hindi na tayo susunod. Ang kagalakan ng anumang bagay, magmula sa isang pirasong damo pataas, ay ang matupad ang layunin ng kanyang pagkakalikha—upang parangalan ang Kanyang kaluwalhatian.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Paano ko ba sinusukat ang aking buhay? Ginagamit ko ba ang sukatan ng Diyos sa katapatan at kabanalan o ayon sa makamundong pagpapahalaga sa kasikatan, sa pagiging kapaki-pakinabang, at sa kahusayan sa paggawa?
Ang mga sipi ay nagmula sa The Love of God, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org