Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Lahat ng madilim at malabo sa ngayon isang araw ay magiging kasing-linaw, kasing liwanag at buong kasiyahang makikita, tulad ng kapirasong nakita na natin. Kaya nga pinapayuhan tayo ng Diyos na maging matiyaga. Unti-unti ang lahat ay magiging malinaw hanggang maunawaan natin ang mga ito tulad ng pagkaunawa ni Jesu-Cristo. Ang buong kawalang hanggan ay mabibighani sa pag-unawa at pagkilala sa Diyos, at salamat sa Diyos, maaari na nating simulang makilala Siya dito sa mundo. Ang ibig sabihin ng buhay na ginawang banal ay nagsisimula tayong maunawaan ang Diyos at maihayag ang buhay ng Anak ng Diyos sa ating lupang katawan.
Pinupuno tayo ng hindi mailarawang kagalakan ng bawat kaalamang mayroon tayo tungkol sa Diyos. Kung nauunawaan natin ang Diyos sa kahit anong isang bahagi, malalaman natin ang kagalakang nagkaroon si Jesus. Ito ay kahanga-hangang pag-aari, ito ay likas kay Jesus.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Nasisiyahan ba ako sa mabagal na pagpapahayag ng Diyos o naiinip sa Kanyang kawalan ng pagmamadali? Kung ang Diyos ay hindi nagmamadali, bakit kailangan kong magmadali? Paano akong masisiyahan sa kaalaman kung hindi ako nasisiyahan sa pagtuklas?
Ang mga sipi ay nagmula sa Our Brilliant Heritage, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org