Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Napakagandang pagmasdan ang isang lalaki o babaeng nabubuhay sa liwanag ng isang bagay na hindi mo nakikita. Malalaman mo sa tuwina kapag ang isang tao ay may pamantayang hindi nakikita; may kung anong bagay na nagpapanatili sa kanilang kalugud-lugod samantalang kung isasaalang-alang ang mga bagay-bagay ay nararapat lamang na hindi na sila nasisiyahan. Iyan ang tanda ng isang Cristiano. Hindi sila natatangay sa panahon ng panganib. Mayroon siyang angklang pinanghahawakan sa loob ng tabing. Kapag batid nating may panahong darating kung saan ang lahat ng bagay ay lubos na maipapaliwanag, napupuspos ang ating espiritu ng hindi madadaig na kagalakan.
O Panginoong Diyos, nagsisimula ko nang mabatid kung sino Ka sa akin—higit pa sa liwanag sa umaga, higit pa sa kagalakan at kalusugan, higit pa sa lahat ng Iyong mga biyaya. Magpahayag kang muli sa akin ngayong umaga at hayaan mong lumiwanag ako ng buung-buo sa pamamagitan ng iyong liwanag.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Paano ba akong hindi natatangay sa kawalang pag-asa dahil sa kaalaman sa Kanya na siyang humahawak sa kinabukasan? Anong liwanag ang kailangan kong pagtuunan upang manatili ako sa paglalakbay patungo sa kagalakan? Saan ko kailangang ilagay ang aking angkla upang hindi ako matangay sa maling daan?
Ang mga sipi ay nagmula sa The Place of Help and Knocking at God’s Door, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org