Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 10 NG 30

Pagod na ang mga tao sa mga pangangaral tungkol sa langit sa hinaharap kaya napapunta na sila sa kasalungat nito kung saan ang tinitingnan na lamang nila ay yaong tinatawag na praktikal. Dahil dito nananakawan nila ang sarili nila ng kagalakang hindi maarok mula sa kaalamang ang lahat ng sinabi ng Diyos ay magkakaroon ng katuparan. Higit pa sa mga lalaki at mga babae ang sakop ng Katubusan, sinasakop nito ang buong mundo. Ang lahat ng nadungisan ng kasalanan at ng diablo ay lubos nang natubos ni Jesu-Cristo. Sa kasalukuyan ay hindi natin mapaniwalaan ito. Kinakatawan ng mundo ang kalipunan ng mga tao sa daigdig ng Diyos, at ginagawa nila kung anong gusto nila; nananatiling sa Diyos ang daigdig. "Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig." Hinihintay ng mga mapagpakumbaba ang panahon ng Diyos.

Pumupunta tayo sa Diyos kapag wala tayong kagalakan sa sarili natin at natatagpuan nating ang Kanyang kagalakan ay ang ating kalakasan.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ang puso ko ba ay namamahinga sa katiyakang puno ng kagalakan ang Diyos kahit na ang aking karanasan ay puno ng mga ulap at kadiliman? Sapat ba ang pananalig ko sa huling katagumpayan ni Cristo upang maipagpatuloy ko ang aking kagalakan habang hinihintay ang katuparan ng Kanyang pangako?

Ang mga sipi ay nagmula sa Bible Ethics and The Highest Good, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org