Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 5 NG 30

Ang tanging paraan upang mahanap natin ang kagalakan sa ating "tree of life" ay sa pamamagitan ng pagtupad sa layunin ng pagkalikha sa atin. Nanalangin si Jesu-Cristo, "nang kanilang matamasa ang katuparan ng Aking kaligayahan." Ang nakapagpanatili ng kaligayan ni Jesus ay hindi ang Kanyang paglayo sa realidad, kundi dahil sa taglay Niya sa Kanyang sarili ang kaharian. Ang buong buhay ng ating Panginoon ay nakaugat at naka-angkla sa Diyos, kung kaya't Siya ay hindi kailanman napagod at naging mapangutya.

Sa pagitan ng kapanganakan at kamatayan maaari kong gawin ang anumang aking nais; ngunit hindi ko maaaring burahin ang aking kapanganakan, at hindi ko matatakasan ang aking kamatayan, ang dalawang hangganan ay laging nandiyan. Wala akong kakayanang piliin kung ano ang aking hangganan, ngunit sa pagitan nito maaring magbunga ang direksyon na aking pipiliin. Ang aking pagdaan sa panahon ng kagipitan at kagalakan ay nakasalalay sa aking mga gagawin sa pagitan ng dalawang hangganan.

Mga katanungan pagmumuni-munian:
Ano ang kaugalian ng kapwa na nag-uudyok sa akin upang maging mapangutya?
Bakit ko hinahayaang masira ng kanilang kaugalian at asal ang aking kaligayahan? Tuwing hinahayaan ko ang aking sarili na maging mapangutya, ano ang ibig nitong sabihin sa aking sariling asal? Ano ang aking mga pwedeng gawin upang mapalitan ang inis ng kaligayahan?

Mga sipi mula sa Still Higher for His Highest, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org