Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa
Kapag ang mga tao ay tumatalikod sa Biblia, ang Diyos ay nagiging isang pangalan na lamang na ibinibigay sa mga pangkaraniwang gawi upang mapalawig ang kapakanan ng mga tao—na ang Diyos at si Jesu-Cristo at ang Banal na Espiritu ay nariyan lamang upang tayo ay pagpalain, upang itaguyod ang ating kapakanan. Kapag dumako tayo sa Bagong Tipan ay natatagpuan natin ang kaisipang baligtad dito, na sa pamamagitan ng pagbabagong buhay ay nadadala tayo sa masarap na pakikipagsamahan at pagkakaisa sa Diyos kung kaya't nauunawaan natin nang may malaking kagalakan na tayo ay binalak upang maglingkod para sa Kanyang kapakinabangan.
Kapag tayo ay nanatili sa liwanag kasama ang Diyos, ang ating buhay ay katulad ng sa isang bata, payak at puno ng kagalakan sa kabuuan. Sapat na sa isang bata na malamang ninanais ng kanyang amang gumawa siya ng ilang mga bagay at natututunan niyang humugot sa kalakasang higit pa sa taglay niya.
Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Ginagamit ko ba ang Diyos upang itaguyod ang sarili kong kapakinabangan o naglilingkod ba ako sa Diyos upang ang sa Kanya ang Siya kong itaguyod? Ginagamit ko ba ang Biblia upang patunayang ako ang tama o upang malaman kung saan ako nagkamali? Nagagalak ba akong malaman kung saan ako may pagkakamali upang ito ay aking maitama?
Ang mga sipi ay nagmula sa The Philosophy of Sin, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org