Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kagalakan - Kalakasan sa PanginoonHalimbawa

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

ARAW 2 NG 30

Ang biyaya ng Diyos ay bumabagsak, katulad ng Kanyang ulan, sa masasama man at sa mabubuti rin. Ang kahanga-hangang biyaya ng kalusugan, katalinuhan, kasaganaan ay pawang nagmumula sa Kanyang nag-uumapaw na pagpapala, at hindi sa kalagayan ng pagkatao ng tumatanggap dito. Halimbawa, kung ang kalusugan ay isang tanda na ang isang tao ay mabuti sa tingin ng Diyos, wala na tayong makikitang kaibahan sa kung ano ba talaga ang mabuting katangian ng tao, dahil maraming masasamang tao ang may mabuting kalusugan.

Mayroong pagkakaiba ang kapaligiran at ang mga sitwasyon. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang kapaligiran; ito ay ang bahagi sa kanyang sitwasyon na angkop sa kanyang kalikasan. Bawat isa sa atin ay gumagawa ng ating sariling kapaligiran, ang ating sariling pagkatao ang gumagawa nito para sa atin. Ang ibig sabihin ng kaligayahan ay pinipili lamang natin ang mga bagay sa ating sitwasyon na magpapasaya sa atin. Ito ang malaking batayan ng huwad na Cristianismo. Hindi mo mababasa sa Biblia ang tungkol sa "masayang" Cristiano; marami itong binabanggit tungkol sa kagalakan. Ang kaligayahan ay nakasalalay sa mga bagay na nangyayari. Ang kagalakan ay hindi naaantig ng mga panlabas na kondisyon.

Mga Katanungang Pagmumuni-munian: Paanong naaapektuhan ng kagipitan ang kagalakan ko? Sinusukat ko ba ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga pagpapala sa akin?

Ang mga sipi ay mula sa God’s Workmanship and The Shadow of an Agony, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Joy - Strength In The Lord

Tuklasin ang karunungan ni Oswald Chambers, ang may-akda ng librong My Utmost for His Highest, sa mahalagang pananaw tungkol sa kagalakan. Ang bawat babasahin ay tumatampok ng mga sipi galing kay Chambers kasama ng mga tanong para sa iyong pansariling pagmumuni-muni. Habang pinupukaw at hinahamon niya tayo sa kanyang mga simple at tapat na karunungang biblikal, makikita mo ang iyong sariling nagnanais na gumugol ng mas maraming oras ng pakikipag-usap sa Diyos.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org