Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Sinasabi sa atin ni Pedro na maging handa lagi na magbigay ng sagot sa lahat na humihingi sa atin ng dahilan tungkol sa pag-asa na nasa atin. Hindi niya sinabing magbigay ng mga pangangatuwiran, kundi isang dahilan. Maaari tayong magbigay ng dahilan kung ano ang alam natin, ngunit hindi natin ito maaaring ipaliwanag sa taong hindi katulad ng paniniwala. Maaari nating sabihin na tama tayo sa Diyos dahil natanggap natin ang Kanyang Espiritu sa salita ni Jesus, ngunit ang ating mga pangangatuwiran ay walang kabuluhan sa tao na hindi tumanggap ng Banal na Espiritu.
Naghihintay tayo sa pag-asa para sa paghahayag ng Panginoong Jesu-Cristo. Ang Espiritu Santo ay naghahangad na pukawin ang mga tao mula sa kalungkutan; Siya ay nagsusumamo, naghahangad, nagpapala, nagbubuhos ng mga biyaya sa mga tao, ipinagtatanggol at inilalapit sila, para sa isang layunin, upang tanggapin Siya para sila ay gawing banal na kalalakihan at kababaihan na nagpapakita ng buhay ni Jesu-Cristo.
Tanong sa Pagninilay: Ako ba ay kontento na magbigay ng dahilan para sa aking pag-asa o iginigiit ko na ang aking dahilan ay sapat na para sa ibang tao? Bakit maliit lang ang aking pasensya sa gawain ng Banal na Espiritu sa buhay ng iba?
Ang mga sipi ay kinuha sa If Thou Wilt Be Perfect at Biblical Ethics,
© Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org