Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Ginagawa ng mga bituin ang kanilang gawain nang walang pagkabahala; ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain nang walang pagkabahala, at ginagawa ng mga banal ang kanilang gawain nang walang pagkabahala. Ang mga taong laging desperado ay isang istorbo; sa pamamagitan ng mga banal na kaisa Niya na ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay sa lahat ng oras. Ang mga nanlulumo at ang mga pagod at ang mga nalinlang ay pinaglilingkuran ng Diyos sa pamamagitan ng mga banal na hindi nadaig ng kanilang sariling pagkataranta, na dahil sa kanilang pakikiisa sa Kanya ay ganap na nagpapahinga, dahil dito Siya ay nakakagawa sa pamamagitan nila. Ang isang banal na santo ay nananatiling ganap na nagtitiwala sa Diyos, dahil ang pagpapakabanal ay hindi isang bagay na ibinibigay sa akin ng Panginoon, ang pagpapakabanal ay Siya na nasa akin mismo.
Ang isang pinabanal na santo ay napapahinga mula sa kanyang sarili at sa kanyang sariling mga gawain, dahil nagtitiwala siya na ang lahat ng bagay ay aayusin ng Diyos.
Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang sinasabi ko sa Diyos sa pamamagitan ng aking takot sa kapahingahan patungkol sa aking pagtitiwala sa Kanya? Ano ang sinasabi ng aking pagtanggi na magpahinga sa mundo tungkol sa pinagmulan ng aking pag-asa?
Ang mga sipi ay kinuha mula sa The Place of Help, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org