Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 14 NG 30

Ang katiyakan ay nagdudulot ng kamatayan sa isang bagay. Kapag mayroon tayong isang paniniwala, pinapatay natin ang Diyos sa ating buhay, dahil hindi tayo naniniwala sa Kanya, naniniwala tayo sa ating mga paniniwala tungkol sa Kanya at ginagawa ang ginawa ng mga kaibigan ni Job - dinadala natin ang Diyos at ang buhay ng tao sa pamantayan ng ating mga paniniwala at hindi sa pamantayan ng Diyos. Ang kawalan ng kakayahan ng propesyonal na relihiyon ay hindi isang sorpresa sa atin, itinatali natin ang Diyos sa Kanyang mga batas at sa mga doktrina ng denominasyon at hanay ng mga serbisyo, dahil hindi natin nakikita ang Diyos.

Kung saan tayo ay nagtitiwala sa kabutihan o kadakilaan sa halip na sa Diyos, bigla na lang nating nakikita ang ating sarili sa isang ilang na lugar. Ang saloobin ng isang makadiyos na buhay ay hindi ang magtiwala sa anumang bagay o sa sinuman maliban sa Diyos.

Mga Tanong sa Pagninilay: Anong maling pakiramdam ng pagtitiwala ang nais kong tanggalin upang ang aking pagtitiwala sa Diyos ay maaaring ganap na mabuhay? Sa anu-anong paraan ko inilalagay ang aking pag-asa sa mga gawi ng relihiyon sa halip na sa kapangyarihan ng nabuhay na mag-uling Cristo?

Ang mga sipi ay mula sa The Love of God and Notes on Jeremiah, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org