Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Ang malaman na ang aking kalakasan ay hadlang sa pagbibigay ng buhay ng Diyos ay nakapagbubukas ng kaisipan. Ang isang henyo ay malamang na umasa sa kanyang katalinuhan higit kaysa sa Diyos. Ang isang mayaman ay kadalasang nagtitiwala sa kanyang salapi kaysa sa Diyos. Marami sa atin ang nagtitiwala sa kung ano ang meron tayo kaysa magtiwala nang lubos sa Diyos. Lahat ng pinagkukunan ng lakas na ito ay pinagmumulan ng dobleng kahinaan. Sa oras na malaman natin na ang ating totoong buhay ay "nakatago kay Jesus sa pamamagitan ng Diyos", na tayo ay "kumpleto sa Kanya", sa Kanya na "nananahan ang kapuspusan ng Diyos Ama", ang Kanyang lakas ay maliwanag na maihahayag sa ating buhay dito sa mundo.
Ang malaking sagabal sa landas ng ilang sumusunod kay Jesus ay ang kanilang mga karunungan, sa kanilang labis na karunungan ay hindi na sila nagtitiwala sa Diyos. Kaya, tanggalin natin ang mga ganoong bagay sa isipan; lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan, at walang limitasyon sa kung ano ang maaaring gawin o ipagawa sa atin ng Diyos.
Mga Tanong sa Pagninilay: Sa anong paraan ako nagtitiwala sa mga kaloob ng Diyos higit sa Kanya mismo? Ano kaya ang maaring ipagawa sa akin ng Diyos na labas sa aking kakayanan?
Ang mga sipi ay hango sa God's Workmanship at If Thou Wilt be Perfect, ©Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org