Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Ang kasunduan sa layunin sa mundo ay hindi dapat ituring na isang paunang pagpapasya na magkasundo sa matinding pamimilit sa Diyos hanggang sa Siya ay sumuko. Hindi tamang magkaroon muna tayo ng pagkakasundo sa kung ano ang gusto natin, at pagkatapos ay pumunta sa Diyos at maghintay, hindi hanggang sa ibigay Niya sa atin ang Kanyang iniisip tungkol sa bagay na ito, kundi hanggang sa makuha natin mula sa Kanya ang pahintulot na gawin ang napagpasyahan nating gawin bago pa tayo nanalangin; ang dapat nating gawin ay hilingin sa Diyos na iparating sa atin ang Kanyang isip at kahulugan hinggil sa bagay na ito.
Ang kasunduan sa layunin sa mundo ay hindi isang pampublikong pagtatanghal ng patuloy na pagmamakaawa na walang limitasyon, kundi isang panalangin na nababatid na ito ay limitado sa pamamagitan ng moral na kalikasan ng Espiritu Santo. Ito ay ang pagbubuo sa lupa kasama ang ating Ama na nasa langit.
Pagninilay na Tanong: Ang pag-asa ko ba sa Diyos ay batay sa kakayahan kong makuha mula sa Kanya ang gusto ko o sa kakayahan ng Diyos na ibigay sa akin ang kailangan ko?
Ang mga sipi ay mula sa Christian Disciplines, © Discovery House Publisher

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org