Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Ang inaasahan ng puso ay dapat na nakabatay sa katiyakang ito: “Sa buong mundo ay walang iba maliban sa Iyo, aking Diyos, walang iba maliban sa Iyo.” Hanggang sa ang puso ng tao ay mamahinga doon, ang bawat iba pang relasyon sa buhay ay walang katiyakan at magtatapos sa dalamhati. Iisa lamang ang Nilalang Na kayang bigyang kasiyahan ang pinakamalalim na hibik ng puso ng tao, at iyon ay ang Panginoong Jesu-Cristo.
Ang buong kasaysayan ng inggit at kalupitan sa mga relasyon ng tao ay maibubuod sa kagustuhan ng walang katapusang kasiyahan mula sa mga puso ng tao. Hinding-hindi natin ito makukuha, at malamang na tayo ay maging malupit, mapaghiganti, at may kapaitan sa puso. Kapag ang puso ay tama sa Diyos at ang tunay na sentro ng buhay ay nasisiyahan, hindi tayo umaasam o humihingi ng walang katapusang kasiyahan mula sa isang may hangganang puso; tayo ay nagiging ganap na mabuti sa lahat ng iba pang mga puso at hindi kailanman naging isang patibong.
Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang ipinapakita ng aking kawalan ng kabaitan tungkol sa aking pagnanais ng kasiyahan mula sa isang tao maliban sa Diyos? Paano magbabago ang aking saloobin sa mga tao kung ang lahat ng pag-asa ko ay nasa Diyos?
Ang mga sipi ay kinuha mula sa The Moral Foundations of Life, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org