Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Ang kaligayahan ay isang bagay na darating at lilipas, hindi ito maaaring maging isang wakas sa sarili nito; Ang kabanalan, hindi kaligayahan, ay ang wakas ng tao. Ang dakilang plano ng Diyos sa paglikha ng tao ay upang siya ay "luwalhatiin ang Diyos at tamasahin Siya magpakailanman." Ang isang tao ay hindi makakaranas ng kagalakan hangga't siya ay walang kaugnayan sa Diyos. Inaangkin ni Satanas na kaya niyang paligayahin ang tao kahit walang Diyos, ngunit ang nagawa lamang niya ay ang magbigay ng kasiyahan at kaluguran, hindi kailanman ang kaligyahan. Ang ibig sabihin ng ating buhay ay higit pa kaysa sa masasabi natin, natutupad nito ang ilang layunin ng Diyos na hindi natin nalalaman; ang ating bahagi ay magtiwala sa Panginoon nang buong puso at hindi manalig sa ating sariling pag-unawa.
Ang karunungan dito sa mundo ay hindi maaaring lumapit sa hangganan ng mga Banal; kung hihinto tayo sa Kabanalan, hindi natin makikita ang layunin ng Diyos para sa ating buhay.
Mga Tanong sa pagbulay-bulay: Gumugugol ba ako ng mas maraming oras at enerhiya sa paghabol sa aking "karapatan" sa kaligayahan o sa tawag ng Diyos sa katuwiran? Kung ang lahat ng hinahanap ko ay kaligayahan, ano ang maaaring makalimutan ko?
Mga sipi na kinuha mula sa Bringing Sons to Glory, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org