Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa
Sa isang sermon ilang taon na ang nakalilipas, sinabi ni Father Frere, "Mayroon ka na bang ginawa para sa isang alagang hayop upang bumuti ang kanyang pakiramdam, isang bagay na talagang masakit - tulad ng paghila ng isang tinik sa kanyang paa, o paghuhugas ng kanyang sugat, o anumang bagay tulad nito? Kung gayon, maaalala mo ang pagpapahayag sa mga mata ng aso habang siya ay nakatingin sa iyo; na kung ano ang ginagawa mo ay nasasaktan siya ng lubos gayunpaman tila nagpapahiwatig ang kanyang mga mata ng tiwala sa iyo na tila sinasabi niya, 'Hindi ko nauunawaan kung ano ang iyong ginagawa, sobrang sakit nito, ngunit ipagpatuloy mo.'"Iyon ay isang angkop na paglalarawan ng pagdurusa "ayon sa kalooban ng Diyos."
Minsan dapat tayong tumingala sa Diyos at sabihin, "Hindi ko talaga nauunawaan ang lahat ng ito, ngunit magpatuloy Ka sa kung ano ang Iyong ginagawa." Iyan ang tunay na marka na natututunan na nating magtiwala sa Diyos. Ang espirituwal na karanasan ay nagsimula na; ang paghihirap na nararanasan ay nakatulong upang lumalim ang kaluluwa.
Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang ginagawa ng Diyos na tumututol sa aking pang-unawa? Ano ang inaasahan kong matutunan sa pamamagitan ng hindi pagtitiwala sa Diyos? Ano ang maaari kong matutunan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos?
Ang mga sipi ay kinuha mula sa Christian Disciplines, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.
More
We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org