Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Pag asa - Isang Banal na Pangako Halimbawa

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

ARAW 18 NG 30

Anuman ang mga paghahayag na ginawa ng Diyos sa iyo, magiging mahirap pagdating sa pisikal na pag-unawa sa mga bagay-bagay—binibigyan ka ng Diyos ng isang paghahayag na Siya ang magkakaloob, pagkatapos ay hindi Siya nagbibigay ng anuman at napapagtanto mong mayroong taggutom, kakulangan ng pagkain, o damit, o pera, at ang iyong isipan ay nagsasabi, "Iwaksi mo na ang iyong pananalig sa Diyos." Gawin ito sa iyong kapanganiban. Tingnan kung saan nanggagaling ang kahirapan; kung dumating ito sa oras ng tahimik na pagtitiwala sa Diyos, pasalamatan Siya para dito.

Ang pananampalataya ay hindi isang kasunduan sa Diyos — magtitiwala ako sa Iyo kung bibigyan Mo ako ng pera, ngunit hindi kung hindi. Kailangan nating magtiwala sa Diyos padalhan man tayo ng pera o hindi, bigyan man Niya tayo ng kalusugan o hindi. Dapat tayong magkaroon ng pananalig sa Diyos, hindi sa Kanyang mga kaloob. Lumakad tayo sa harap ng Diyos at maging perpekto, ikaw sa iyong mga kalagayan at ako sa akin.

Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang nangyayari sa aking pag-asa kapag hindi ibinibigay ng Diyos ang gusto ko? Saan ako humihingi ng tulong kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko sa Diyos?

Ang mga pagsipi ay mula sa Our Portrait in Genesis and Not Knowing Where, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 17Araw 19

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Hope - A Holy Promise

Ang Pag-asa: Isang Banal na Pangako ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinakamagiliw na manunulat ng debosyon at may-akda ng My Utmost for His Highest. Maghahatid si Chambers ng inspirasyon at malalim na pag-unawa sa pamamagitan ng simple at diretsong kaalaman mula sa Biblia.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org